Description
Sa loob ng mga nagdaang taon ay pinaniwalaan ng pamilya ni Arleigh na napailalim sila sa isang sumpa na diumano, lahat ng babaeng anak at apo ni Lola Maria ay makararanas ng kabiguan sa pag-ibig kung hindi makapag-aasawa bago tumuntong sa edad na beinte-singko.
Kaya naman ngayong papalapit na ang ika-dalawampu at limang kaarawan ni Arleigh ay hindi na mapakali ang kanyang ina at abuela. Kung sino-sinong lalaki ang ipinakikilala ng mga ito sa kanya pero dahil hindi siya naniniwala sa sumpa ay binabalewala niya ang mga iyon.
Minsang nasa biyahe siya kasama ang pinsang si Jing ay may nakabangga siyang lalaki at nahulog mula rito ang isang baryang niluma na ng panahon. Mula noon ay nagulo na ang tahimik niyang buhay. Sa gabi ay malimit siyang dalawin ng masasamang panaginip at nakararanas siya ng kung anu-anong kababalaghan na nang lumaon ay hindi na magpatahimik sa kanya.
Nang hindi na niya matiis ang mga kababalaghang dinaranas ay kinausap na niya ang propesor ni Jing na si Mr. Alfredo Castro. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi natutuklasan ang katotohanan sa likod ng mga kababalaghang iyon. Kailangan niyang makilala ang lalaking nasa panaginip. Kailangan niyang alamin ang totoong dahilan sa mga pangitaing gumugulo sa kanya. Ang kaso, paano niyang gagawin iyon kung ang tanging paraan para makausap ang lalaking nagngangalang Carlos ay ang paglalakbay pabalik sa nagdaang panahon? Kakayanin ba niyang bumalik sa taong 1936 para lang alamin ang misteryo sa likod ng lumang baryang iyon?





Reviews
There are no reviews yet.