Whatever It Takes to Love You

“Insecure ako dahil kahit saang anggulo tingnan, parang…parang hindi ako bagay sa’yo. Mas bagay sa’yo ang ex mo. Ayokong maguluhan ka, Matteo. Ayokong maging panggulo sa buhay mo.”

Description

Hindi maganda ang impression ni Matteo Guanzon sa kaklase at kaibigan ng kanyang kapatid na si Mikaela. Para sa kanya, ang isang tulad ni Sharina Marie Valderama ay kailangang iwasan at hindi dapat kaibiganin. Lakwatsera at bulakbolera ang tingin niya rito, kaya naman ginawa niya ang lahat para ilayo rito ang kapatid.

Pero ipinagtataka niyang habang gumagawa siya ng mga hakbang para ilayo ang dalaga sa kapatid ay lalo lamang itong napapalapit sa puso niya. Her smile was so sexy. Her eyes were so expressive that he always lost sanity whenever he met her gaze.
But Carmen, his girlfriend of four years came into the picture just when he was about to fall for Sharina. Handa na raw itong magpakasal sa kanya at pinagsisisihan na nito ang pagtanggi sa wedding proposal niya four months ago.

Biglang nagulo ang mundo niya. Carmen had been his ideal woman eversince, his first crush, first girlfriend, his all firsts. Ito ang babaeng nararapat sa kanya sa lahat ng aspeto. Maging ang kanyang ama na sa loob ng ilang taon ay hindi siya kinakausap, muli siyang tinanggap dahil kay Carmen.

Pero paano si Sharina? Kalilimutan na lang ba niya ang munting damdaming umusbong para sa dalaga kapalit ng isang tamang desisyon para sa kabutihan ng lahat?

Reviews

There are no reviews yet.

Add a review